Question Of The Weekend: Pamahiin

May tanong kami..
We have this new portion where we ask questions and you answer via the comments. It will run over the weekend. Once the weekend is over, we will decide the top 3 best and amazing answers from the comment section and we will let you vote for the best commenter in discord and on chain, or we will decide.

Question Of The Weekend (QOTW)
For this weekend, our question is:
Anong mga pamahiin ang sinusunod nyo hanggang ngayon?
or
What are some superstition beliefs you still follow til now?
Naniniwala pa rin ba kayo sa mga pamahiin?
May sinusunod pa rin ba kayo?
Ikwento nyo na yan samin!

Contest Rules
The rules are pretty simple:
- Answer the question in the comment section. No need to create a post about it.
- There's no minimum word count but more than 1 sentence is greatly appreciated.
- No plagiarism. Syempre!
- Content must be in Filipino and/or English.
- Invite another person to join the contest.
- You don't need to be a Filipino to join this contest. Everybody is welcome to join!
Deadline of this contest is on November 9 EOD PH time.
Chosen commenter will win 1 HSBI!
What are you waiting for? Comment now!
0
0
0.000

Bawal mag exchange ng pera through a window sa bahay kasi mamalasin sa pera
meron pala ganyan?
Yep, papagalitan kami ni mama kaya lalabas talaga kami para ibigay ang pera basta wag daw e daan sa bintana hahaha
Nalaman ko lng yan sa bilas ko.
Super mapamahiin
Into business ba siya ate? Kasi i think my mom or family believes on this kasi may business
Bawal mag walis sa gabi - malas daw
Yeah that's true!until now sinusunod pa rin namin tong pamahiin na to..magagalit ang mga lola at lolo Pag di sumunod sa mga lumang gawi
Bawal mag nail-cutter sa nails pag gabi
Bawal gumastos ni piso sa simula ng bagong taon 😅
Pano kc, dami pang left overs haha
Maglagay Ng luya sa bulsa especially sa baby para iwas bati.
Against sa engkanto at sa mga ano-ano.
Ikaw @asiaymalay @ifarmgirl @xanreo
@whoose
@
Ehehe
May nakita ako sis, naka aspili sa damit ng baby yung dry na luya.
Thanks pla sa mention
meron palang ganyan?
Oo, para di daw matuyawan
Don't cut nails at night especially Tuesday and Friday. Before talagang takot ako pumutol Ng kuko SA Gabi. Pero one time sinubukan KO at nataun SA Friday. My fingertips skin peel. At iniwasan KO na ulit mg cut Ng nails SA Gabi😁😬
Ikw @mylaxel?
@disorich?
halaaaa bakit may specific days? alam ko lang dont cut nails at night pero d ko alam ung days
Hehehe. Mas masama DW Pg Tuesday at Friday.😁
May narinig ako lately, hwag daw magbigay ng pera sa iba kapag gabi na kasi mapupunta sa kanila ang swerte😊
Kaya naman sinusunod namin kasi wala naman talagang nanghihingi ng pera sa amin pag gabi na 😅
Ikaw @ruffatotmeee
Ehhhhh, may ganyan palang pamahiin, now ko lang narinig ang ganyan 😂
Hmmm 🤔, mga oldies ko sinusunod pa rin yong ibang pamahiin, tas ako mejo lang, minsan nasunod nalang din ako. Yong bawal maligo pag dating ng alas 3 ng hapon sa Biyernes Santo. Meron pang iba, naaalala ko lang talaga yonf nga pamahiin na yoon kapag pinapaalala nina motherbels
Sa inyo ba @crispypatata, @xanreo, @heymariel62, @dreamrona?
Yung sa Amin sis kapag biernes Santo naniniwala kami na Hindi pwedi Kumain ng mga dahon or leafy vegetables, para Hindi daw mag sige galaw Yung head kahit Hindi pinapagalaw 😁 gets ba? Hehe! basta Yun. Pero may iilan din sa kapitbahay namin Hindi sila naliligo kapag biernes Santo.
Hmmmm this sounds interesting. Isa sa sinunod namin na pamahiin ay bawal mag videoke or magsaya kung may patay na nakahimlay lalo na't hindi pa nailibing. Yong bawal maligo, magsuklay at magwalis pag may patay unti-unti nang nawala heheh pero yong lola ko talaga ang daming pamahiin, siguro yan nakagisnan nila.
Mga ma'ams @krisjoy23 @lolitaanana001 @arriane001 wanna share yours?
@daileen23 oh yeah!That's true..
at sa amin namin ay kung matapos na mailibing ang patay ay dapat mag pagpag ka bago ka umuwi ng bahay of dapat ka munang gumala sa ibang lugar bago umuwi ng bahay para hindi ka matunton or masundan ng masamang engkanto or mga bad spirits..at pagkatapos ng burol din kung may natira pang pagkain eh wag na wag mong dalhin sa bahay pabayaan mo na lang ang mga tira tira sa sementeryo o di kaya ipamigay doon dahil kung dalhin mga tirang pagkain sa bahay ito raw ang maging sanhi ng malas kamalasan ng buong pamilya.
@segundolhou29 ano rin ba sa inyu ang mga pamahiin na nka gisnan mo?
Isa sa mga paniniwala na tumatak parin sa aking utak hanggang ngayun ay Yong sinabi nang lola ko na Bawal akong kumanta Pag akoy magsasaing dahil daw magiging matandang dalaga daw ako forever ☺️so ayon di ako kumanta-- slamat nman at nakita ko forever ko ngayun😂
@vvodjiu
@segundolhou29
@jocabanero4
Anong kwento ng lola Nyo tungkol sa mga sinaunang pamahiin?
Ang sabi ng lola ko @lolitaanana001 bawal daw ako kumain ng gizard/balunan na manok ksi mahihirapan daw ako manganak, eh bkit hanggang ngyun wla prin akong anak 😂😂
@jocabanero4 😂😂😂😂ang saya namn nang mga pamahiin nila noh??akala ko noon totoo talaga😂😂
Sa akin naman dapat ko daw pakainin ng ari ng baboy na ni letson para daw maging matalino ang anak ko😂😂😂
😂😂😂😂🐖
@jocabanero4 😂😂🤣🤣🦒
wahaha buti po di kayo kumanta 😆 ngayon ko lang nalaman 'tong pamahiin na 'to. siguro yung mga teacher naming matandang dalaga kumakanta pag nagsasaing noon 😅
HAHAHAHAHA grabe ka sa teacher nyo c!
wahahaha napansin ko lang 😆 ang dami kasi nila hahaha
@cthings 😂😂😂😊baka nga noh ..kumanta sila..aside sa matandang dalaga sila..parang ang Dali ding nilang magagalit noh😂😂ganda kaya ng teacher natin nooon bakit di na benta o nahanap forever nila ..may kinalaman kaya ang pamahiin na to😂😂
May ganun pala? Hehe hindi ko alam yan ahh, dati pag nagsaing ako may pasabay na awit minsan hehe pero ito nagka-asawa naman ehh hahahah
Kaya nga..naaalala ko lang Sabi ng lola ko😂😂😂😂
@daileen23 ahaha...ako din...Buti nlgn di tumalab yung pamahiin 😂😂
🤣😂 nakakatuwa ano? Ehehe
As in sis..hehe it's funny but we respected their beliefs 😂😂😂
hahaha ako rin, til now inaavoid ko pa rin ung pagkanta habang nagluluto 😂
@wittyzell 😂😂really!
Do you still believed this until now😂haha if you're married na then there's no problem..you do unlimited singing while washing the dishes 😂😂if not--thats your choice,to be an old single lady or what??😂😂😂
Thanks for stopping by..Just find it humorous while typing my reply on you😂
I'm not yet married HAHAHA
Actually, samin may kasunod pa sya
Tatanda kang dalaga if kakanta ka while nagluluto <- di ka magkakaasawa or magiging widow ka
Ehh nakakatakot kaya HAHAHA
@wittyzell Hahaha...better not to sing..😂😂😂hahah face your fears gurlll...you can still find your knight in shining armor😂😂
Paano yan 🤧 Kumakanta pa naman ako kapag nagsasaing pati kapag nagluluto ulam 😭
@xanreo 😂😂😂😂join ka din sa craze na to😂😂alams na miss kung anong mangyari either maging matandang dalaga or di mahanap ang tunay na pagibig 😂😂😂
Ilang days kana kumanta?kung wlang pang one week yan..pwede mo naman bawiin Simula bukas sasayaw kana while nagsasaing😅😂😂😂
Sorry po, pero hindi talaga ako naniniwala sa pamahiin dahil hindi ito kalugud-lugod sa Diyos. Naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay nagaganap ayon sa Kanyang kalooban, at hindi batay sa mga paniniwalang walang katotohanan o basehan. Kaya dapat maging panatag ang ating pananampalataya sa Diyos, sapagkat Siya lamang ang may ganap na kontrol sa lahat. 🙏
@mcgi.cares @arriane001
Late na ako, pero huwag raw matulog Ng hanggang 5pm sa hapon dahil bawal mag lubog ang araw Ng tulog Ka haha. At bawal mag nail cutter Ng Koko sa Gabi Kasi parang gusto mo na raw mamatay magulang mo kapag nag nail cutter ka sa Gabi.
Update: @hiveph, I paid out 0.281 HIVE and 0.028 HBD to reward 12 comments in this discussion thread.